Raptors luhod sa 20 assists ni Rondo

KUMANA si Rajon Rondo ng 20 assists upang ilista ng Boston Celtics ang ika-anim na panalo sa walong laro sa nagaganap na 2012-13 National Basketball Association, (NBA) regular season.

Nakapagtala ang Celtics ng 37 sa 43 field goals na galing sa assists upang tambakan ang Toronto Raptors, 107-89 kaninang umaga.

”Something I look forward to every game is just trying to make my teammates happy. And somehow I keep getting to 10,” anang Rondo na naglaro lamang ng 1:26 minuto sa fourth quarter . ”Tonight it was a collective team effort as far as assists.”

Si Jason Terry ang nag top scorer para sa Celtics na may tinikadang 20 points at tig dalawang rebounds at assists habang si Paul Pierce ay nagdagdag ng 19 markers at six rebounds bago umupo sa final canto.

”We have an offense and then he creates another offense at times,” wika ni Boston coach Doc Rivers.
Dikit pa ang labanan sa first half, 47-42 abante ang Celtics subalit sa third canto ay tuluyan ng naiwanan ang Raptors, 79-64.

Nag-ambag din ng 15 puntos at limang boards ang sentro ng Boston na si Kevin Garnett habang may anim na puntos si Rondo.

”We can’t afford to play such bad defense – especially against this type of team,” ani Raptors forward Andrea Bargnani. ”One day we play good defense and then there are games like today where we play very bad defense, so I can’t say it’s getting better. We have to focus more and give a better effort.”
May 15 puntos si Bargnani gayundin ang kakamping si John Ludas.

Samantala, tumipa ng unang career double-double ang Rookie ng Celtics na si Jared Sullinger.
Si Sullinger ay may 12 points at 11 rebounds.

Sa ibang NBA resulta, uminit muli ang Miami Heat matapos itarak ang ikalawang sunod road game win kontra Phoenix Suns, 97-88.

Hindi pa rin nakalaro si Dwyane Wade kaya naman inako nina basketball superstar LeBron James at Chris Bosh ang opensa ng Heat.

May 24 points si Bosh at 21 naman ang ginawang puntos ni James.

Patuloy pa rin ang pamamayagpag ng Memphis Grizzlies dahil nilista nila ang ikawalong sunod na panalo laban sa Charlotte Bobcats, 94-87.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply