Reclamation project ligtas sa lindol – PHIVOLCS

KASUNOD ng ilang mga lindol na naranasan sa ibat ibang bahagi ng bansa, tiniyak ni Phivolcs Director Renato Solidum na walang dapat ipangamba ang publiko sakaling matuloy na magkaroon ng mga reclamation sa Metro Manila.

Ayon kay Solidum, batay sa kanilang pag-aaral maituturing na ligtas ang reclamation kung itoy dumaan sa tinatawag na ‘engineered process’.

Inihalimbawa ng opisyal ang mga reclamation progect na isinagawa sa Kobe Japan na pinakinabangan na, aniya, ng naturang bansa kung saan maging ang kanilang Airport sa Osaka ay itinayo sa isang reclaimed area.

Ipinaliwanag pa ng opisyal na kapag naidaan sa tamang pag-aaral ang isang reclamation area ay magiging ligtas sa anumang peligrong dulot ng kalikasan at maaring i-develop ang lugar.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply