Red Lions handa na sa Fr. Martin Cup

red-lions

TATLONG pares na laro agad ang ihahanda sa pagbubukas 9th Fr. Martin Cup Open sa Linggo sa Trinity University of Asia gym sa Quezon City.

Mapapanood din agad ang three-time defending champion San Beda Red Lions kontra Arellano University-B sa 12:30 ng tanghali habang sa unang sultada na mag-uumpisa ng alas-9:00 ng umaga ay papagitna ang Far Eastern University at Centro Escolar University.

Pagkatapos ay matutunghayan ang salpukang Arellano University-A at karibal na Emilio Aguinaldo College.

Nakahiwalay sa dalawang bracket ang 14 na koponan.

Nasa Group A ang San Beda, University of Perpetual Help-A, Ateneo University, University of the Philippines, CEU, Arellano University-B at Letran.

Sa Group B naman ang EAC, UPHSD-B, Informatics, College of St. Benilde, Arellano University-A, FEU at Adamson University.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply