Red Tailed Hawk ‘wa epek sa bird strike sa NAIA

WALANG epekto ang pinakawalang Red tailed hawk upang puksain ang mga umaatakeng ibon sa himpapawid na sakop ng Ninoy Aquino International Airport.

Dahil dito, aminado na ang Manila International Airport Authority (MIAA) na wala silang solusyon sa problema laban sa pasaway na ibon.

Ayon kay MIAA General Manager Jose Angel Honrado, hindi nila maaring galawin ang bird sanctuary na malapit sa NAIA.

Bagaman parami na, aniya, ng parami ang mga ibon na dumaragsa sa paliparan, tiniyak ni Honrado  na nireresolba na nila ang naturang problema.

Ang mga pinakawalang red tail hawk ng MIAA sa NAIA terminals ay para itaboy ang mga ibon na
umaali-aligid sa paliparan na siyang nagiging hadlang sa paglapag at pag-take off ng mga eroplano sa NAIA pero hindi ito naging epektibo.

Ang hakbang ng MIAA ay kasunod ng reklamo ng mga piloto at airline companies sa perwisyong dinudulot ng mga ibon sa paliparan na pumapasok sa makina ng mga eroplano.

Bukod sa nalalagay sa peligro ang buhay ng mga pasahero ng eroplano, malaking perwisyo at gastos din ang hinaharap ng airlines sa pagpapagawa ng mga nasisirang makina ng aircraft.

Kahapon, nagsimula nang magpakawala ng apat na agila ang airport ground operations and safety division ng MIAA.

Sa kasalukuyan, pinag-aaralan na ng pamunuan ng MIAA ang iba pang pamamaraan upang labanan ang pasaway na ibon.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply