Refund sa text ipinag-utos ng NTC sa Telcos

INATASAN ng National Telecommunications Commission (NTC) ang mga telecommunication company na isauli ng mga ito ang sobrang singil sa text na nagkakahalga ng P0.20 kada text ng mga subscribers simula noong Disyembre 1, 2011.

Matatandaan na noong buwan ng Disyembre nagpalabas ng memoramdum ang NTC na naglalayon na ibaba ng mga Telco ang kanilang singil sa text mula P1.00 ay ibaba ito ng P0.80 subalit hindi ito sinusunod ng mga kumpanya.

Dahil dito, ipinag-utos ni NTC Director Edgardo Cabarrios ang agarang refund ng mga Telcos sa kanilang mga subscribers. Aniya, dapat ipatupad na ng mga ito ang Memorandum na P0.80 lamang kada text ang singil sa kanilang mga subscribers maging prepaid man o post paid.

Ayon kay Cabarrios ipapasok lang ang refund sa numero ng mga customer habang kailangan naman i-trace ang mga pangalan ng postpaid subscribers para maipasok sa kanilang account ang refund.

“Sa mga prepaid subscribers po kasi hindi po identified ‘yung mga may-ari ng prepaid, iki-credit po sa numero, sa sim card ‘yung sobrang singil. Pero ‘yung sa postpaid kasi kilala ‘yung may-ari, madali pong i-refund ‘yun,” paliwanag pa ni Ccabarrios.

Nilinaw pa ni Cabarrios na hindi kailangan na mapektuhan ang mga unlimited services ng Telcos sa gagawing pagsasauli ng refund ng mga ito.

“Malinaw pa na mula Disymebre 1, 2011 ay inatasan na namin sila na ibaba ang singil sa text kaya dapat lang nila itong i-refund sa mga customer, ” saad pa ni Cabarrios.

Iginiit din ng opisyal na kahit deregulated service ang text messaging ay may karapatan silang magtakda ng singil dito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply