Reklamo ng US bloggers vs Sotto, ibeberipika muna

sotto4

IBEBERIPIKA muna ng Malakanyang ang ulat na naghain ng reklamo ang ilang US bloggers laban kay  Senator Tito Sotto kaugnay sa plagiarism issue bago sila magkomento sa isyu.

“Let me verify that first if there’s such a rule and we have not seen the copy of the complaint yet,” ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda.

Sa ulat, kumbinsido si Senate Majority Leader Tito Sotto na gawa-gawa lamang ang isyu na sasampahan siya ng ethics complaint ng US bloggers at iba’t ibang grupo dahil sa isyu ng plagiarism.

May hinala ang senador na inimbento at minamanipula lamang ng ilang internet users ang naturang usapin laban sa kanya kaya hindi ito dapat patulan ng media.

Sinabi ng senador na handa naman niyang sagutin ang sinasabing reklamo laban sa kanya pero hanggang ngayon ay wala naman siyang natatanggap na pormal na sulat.

Sa kabilang dako, nagbanta si Sotto na kanyang papangalanan ang grupong nasa likod ng paninira sa kanya sa internet sa oras na magkaroon na siya ng ebidensya.

Ang isyu ng plagiarism ay nag-ugat sa speech ng senador kontra sa Reproductive Health bill na kinopya sa isang American blog.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply