Reklamo pa vs Aman Futures Group inilapit sa DoJ

HAWAK na ng Department of Justice (DoJ) ang pinakabagong reklamo laban sa mga opisyal ng Aman Futures Group International na utak sa multi-million pyramiding scam.

Ayon sa DoJ, dalawang bilang ng syndicated estafa ang inihain ni Dennis Yap at iba pang complainant mula sa Cebu City, respondent naman sa kaso si Manuel Amalilio na may-ari ng kompaniya at pati na ang kanyang mga tauhan.

Sa apat na pahina ng complaint affidavit, binanggit ni Yap na umaabot sa P109.9 million ang kanilang nai-invest sa Aman Group kaya labis ang kanilang galit nang mabalitaang scam lamang pala ito at hindi lehitimong negosyo na kagaya ng ipinangangalandakan ni Amalilio at ng mga opisyal ng grupo nito.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply