Reklamo vs Coco Rasuman investment scam, hawak na ng DOJ

NASA kamay na ng panel of prosecutors ng Department of Justice (DOJ) ang unang batch ng mga reklamo laban sa Coco Rasuman Group, isa pang kumpanyang sangkot sa investment scam.

Ayon kay Cagayan De Oro City Prosecutor Fidel Macauyag, ang unang
batch ay binubuo ng limang reklamo na sinabing naloko ang mga ito ng
P300-milyon.

Hindi pa naman umano matukoy kung magkaugnay ang Aman Futures Group at
Coco Rasuman dahil bagamat may common investors ay wala pang ebidensya
na magkaugnay ang dalawang sindikato

Bukod sa Aman Futures Group Philippines Inc., nauna pang pumutok ang
anomalya sa operasyon ng Coco Rasuman Group sa Lanao, pero nag-atubili
anya ang karamihan sa mga investor nito na magsampa ng kaso, dahil
pinangakuan pa sila ng kumpanya na maibabalik ang inilagak na pera

Natuklasan naman ng mga awtoridad na ilan sa mga investor ng Coco
Rasuman ay naglagak din ng pera sa Aman Futures Group Philippines Inc.
sa pag-asa pa ring kumita.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply