Reklamong rape laban kay senador

Allan Encarnacion mano_mano web copy

BILIB ako sa mga taong kayang mabuhay sa dalawang mukha.

Madalas plastic, minsan totoo. Tulad halimbawa ng isang dating senador na kilala ng publiko bilang makatao pero may itinatagong pagkademonyo.

Nagulat ako sa narinig kong kuwento mula mismo sa taong biktima ng politikong ito.

Ang pagsasambit niya ng mga nangyari ay anyong kuwento pero kung uuriin mong mabuti, tunog siya ng pagsusumbong.

Matapos ang aming pag-uusapan, pinayuhan ko siya na pormal niyang gawin ang affidavit upang paghandaan ang pagsasampa ng kaso laban sa dating senador ng bayan.

Tinanong ko siya kung kandidato ba ngayon ang taong aming pinag-uusapan. Hindi siya kumibo, hindi rin siya umiling. Pero ipinakita niya sa akin ang larawan ng politiko.

Ang babaeng kausap ko ay itago natin sa pangalang Tisay. Mga 5’9” ang height, sexy, legally blond at puwedeng kandidata sa Ms. Earth. Pero Pinay na siya kaya kung mas maaga ko itong nakilala, isasali ko siya sa Reyna ng Pitong Gatang.

Sa diretsong usapan, tinangka siyang gahasain ni politiko.

Ang kuwento, lumipad ang kanilang grupo sa isang lugar sa Mindanao para sa isang event na may kinalaman ang kanilang opisina. Nag-iisang babae si Tisay sa biyahe mula Manila patungong Mindanao dahil iyong tunay na kabit ni dating senador sa isang opisina, hindi nakasama, nasa abroad daw noong mga araw na iyon at namamakyaw ng bag na Hermes.

Nang mag-check in sa hotel, tatlo pa sila nang pumasok sa loob ng kuwarto. Parang nakararamdam si Tisay na set-up ang lakad dahil iyong bodyguard na palaging nakadikit sa kanilang dalawa, biglang nagpaalam na maninigarilyo kaya naiwan sila sa malamig at carpetted na silid.

Tatlumpung minuto na lang magsisimula na ang event pero inutusan ni politiko si Tisay na buksan ang computer para ipakita ulit sa kanya ang inihanda nilang power point.

Nagdadalawang-isip man dahil parang alam na niya ang mangyayari, sumunod pa rin si Tisay. Kabubukas pa lang ng computer, hinaplos-haplos na siya ni pulitiko sa braso at pati sa kanyang maseselang bahagi ng katawan.

Nang tangkain na siyang hubaran ni politiko, sumigaw na si Tisay. Nagulantang si politiko at nagmamadaling ikinandado ang kanyang binuksang zipper.

Bagama’t nalamas ni pulitiko ang lahat ng bahagi ng katawan ni Tisay, hindi naman ito nagtagumpay na mapasok ang rurok ng tagumpay.

Ang sumunod na senaryo, mainit na si Tisay sa kabit ni pulitiko, pinag-initan na siya, hindi na siya makaporma at sunud-sunod na ang memo na kanyang natanggap.

Ang plano ni Tisay, kasuhan si pulitiko bago mag-eleksiyon para hindi na makabalik sa senado.

Kung sino man ang pulitikong ito, kailangang paghandaan na niya ang kaso dahil sa
selda na ang kanyang deretso at hindi sa gusali ng senado.

Hindi ko lang alam kung paano tatanggapin ng orig na misis kapag nalaman niyang bukod sa may kabit sa opisina ang kanyang mister, may tinangka pang gahasain.

Ang balita natin, nasa pulitika rin ang misis ni pulitiko.

May asawa na, may kabit pa, aba’t rapist pa!

Playboy na rapist, a!

allanpunglo@yahoo.com

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply