Renewable energy, isinusulong ng DoE

ISINUSULONG na ngayon ng Department of Energy (DoE) na gumamit na ng mga renewable energy sources tulad ng solar at wind power projects.

Ito ang inihayag ni Energy Undersecretary Jay Layug ay upang mapalakas pa ang suplay ng kuryente sa bansa.

Sinabi ni Layug na hindi nangangahulugang tataas na ang feed in tariff allowance o di kaya ang universal levy na makokolekta sa mga konsyumer na hindi bababa sa limang sentimos kada kilowatt hour.

Batay sa kasalukuyang installation target, 250 megawatts ang nakalaan para sa hydropower projects at biomass, habang 50 megawatts para sa solar at 200 megawatts sa wind power.

Samantala, inihayag pa ni Layug na welcome sa DoE ang mga pribado at pampublikong asosasyon na makapagtayo ng kani-kanilang gasoline station.

Ipinaliwanag ng opisyal na magbibigay ng pautang ang Development Bank of the Philippines (DBP) sa mga nagnanais na makapagtayo ng negosyo.

Sa kasalukuyan, nagpahayag ng interest ang ilang transport group para magkaroon sila ng sariling gas station na babalikatin ng kanilang organisasyon ang puhunan sa itatayong gasolinahan.

Ayon kay Layug, dito malalaman ng transport group kung bakit tumataas at bumababa ang presyuhan ng krudo sa bansa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply