Repormang agraryo at industriyalisasyon, sagot sa kahirapan

MULING ipinanukala ng isang mambabatas na pag-ukulan ng gubyerno ang reporma sa lupa, industriyalisasyon at suporta sa maliit na negosyo bilang tunay na sagot sa kahirapan sa bansa.

Ayon kay Bayan Muna congressman at kandidato sa pagka-senador na si Teddy Casino, hindi sasapat ang limos sa pamamagitan ng Conditional Cash Transfer ng Administrasyong Aquino kung nais nitong mas mabilis na kumawala ang mamamayan sa kahirapan.

Ito ang sinabi ni Casino matapos iulat ng United Nations o UN na napakabagal pa rin ng paggapi ng gubyerno sa lumalalang kahirapan ng maraming Pilipino.

Umaabot sa labindalawang milyong Pilipino ang nabibilang sa sobrang naghihirap, ayon pa sa ulat ng UN.

Sa isa pang kahalintulad na ulat, sinabi ng Asian Development Bank na mas malala pa nga ang antas ng kahirapan sa bansa sa ilalim ng gubyernong Aquino.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply