Reyes brothers hinamon na lumutang

HINAMON ng asawa ng broadcaster na lumutang na ang magkapatid na Coron Mayor Mario Reyes at Gov. Joel Reyes at patunayan na wala silang kasalanan.

Ayon sa maybahay ni Gerry Ortega na si Patria Gloria Orgeta, patunayan ng magkapatid na Reyes na wala silang kinalaman sa pagpaslang sa kanyang asawa na walang awang binagbabaril hanggang sa mapatay.

Iginiit pa ng abogado na tuloy pa rin ang kaso laban sa mga pangunahing akusado at umiiral pa ang warrant of arrest laban sa mga1ito taliwas sa ipinakakalat na ulat na naabsuwelto na umano sila.

Ayon naman kay Puerto Princesa Mayor at senatorial aspirant Edgar Hagedorn, labis umano siya nalulungkot dahil isang miyembro ng mamamahayag ang nagbuwis ng buhay para lamang mailantad ang kabulukan ng ilan opisyal.

“Malungkot ito ‘pag ganitong klase ang justice sytem natin, marami pang jhournalist ang mamamatay na hindi nakakamit ang katarungan.

Naunang sinabi ng abogado ng magkapatid na Reyes na si Atty. Ferdinand Topacio na ang warrant of arrest ay ipinawalang bisa ng Court of Appeals (CA) sa  second panel na binuo ng Department of Justice (DOJ) na nagdidiin sa kaso sa magkapatid na Reyes.

Nilinaw naman ng abogado ni Ortega na si Atty. Alex Avisado na hindi pa pinal ang naturang desisyon ng appellate court dahil ito ay kanila iaapela sa korte.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply