Reyes brothers hinamon ng obispo na lumantad

HINAMON ni Palawan Bishop Pedro Arigo ang magkapatid na sina dating Palawan governor Joel Reyes at Coron Mayor Mario Reyes na lumantad na at harapin ang kasong murder kaugnay ng pamamaslang sa radio broadcaster at environmentalist na si Doc Gerry Ortega.

Ayon kay Arigo, kung talagang walang kasalanan ang magkapatid na Reyes ay hindi na dapat na magtago ang mga ito.

Sa halip aniya ay dapat na harapin ng mga ito ang mga kasong isinampa laban sa kanila ng pamilya Ortega.

Anang obispo, ang pagkakaroon ng trial ang tamang paraan upang mapatunayan ng magkapatid na Reyes na malinis ang kanilang konsensiya at wala silang kinalaman sa krimen.

Sa bandang huli naman aniya ay ang mga ebidensya pa rin sa kaso ang mangingibabaw kung kaya’t hindi dapat matakot ang mga akusado kung totoong wala silang kinalaman sa krimen.

Nilinaw naman ni Arigo na hindi nila sinasabing guilty na ang magkapatid na Reyes sa kaso kundi nananawagan lamang umano sila na lumantad na ang mga ito at ipagtanggol ang sarili sa korte.

“What the family is asking, kami sa grupo namin what we are asking ay magkaroon ng trial for the truth to come out. Yun ang proper forum. Di nila kailangang magtago. If they are not really guilty they have to come out para talaga malaman yung evidences ng both party and so that the truth will come out! We are not judging them to be guilty kundi magkaroon ng trial and see what will happen,” paliwanag pa ni Arigo sa panayam ng church-run Radio Veritas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply