RH bill, anti-women – pari

father-melvin-castro

NANINDIGAN si Fr. Melvin Castro, executive secretary ng Commission on Family Life ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na anti-women ang Reproductive Health bill.

Ayon kay Castro, hindi tugon ang RH bill sa mga pangunahing concern ng mga kababaihan.

Ang pahayag ni Castro ay kasunod ng mga kritisismo hinggil sa pagkontra ng simbahan sa RH bill.

Aniya, kung mayroong institusyon na sumusuporta sa kapakanan ng mga kababaihan, ito ay ang Simbahang Katoliko.

“They (pro-RH bill advocates) are claiming that we are against women… and that because the leaders of the Church are men and old,” ayon sa Castro.

“The truth is if RH bill becomes a law, those who will be affected by this are the women.  It will take away from them their being a mother,” dagdag pa niya.

Pinuna rin ni Castro ang malalaking business organization na sumusuporta sa RH bill dahil nais lamang umano ng mga ito na mabawasan ang mga naghahain ng maternity leave.

Hindi rin nito nagustuhan ang pahayag ni Senator Pia Cayetano, principal author ng RH bill, na dapat isama ang contraceptives sa pangunahing health care services.

“It’s a painful point made by the principal author… disappointing. We have to discuss more about this. This is not what our people and women need,” anang pari.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply