RH bill maisasalang ngayong linggo sa Kamara

MULING nanawagan si Albay Rep. Edcel Lagman, pangunahing may-akda ng Reproductive Health bill, sa mga kasamahang mambabatas na simula ngayong Lunes ay hindi lamang basta present ang mga kongresista kundi dapat manatili sa session hall hanggang sa matapos ang sesyon.

“Kahit walang quorum, yong mga nag-respond ay karamihan pro-RH. Kaya nga nananawagan ako sa authors and supporters ng RH bill, simula ngayong Lunes, they should be present. At hindi lang present, dapat nandoon sila hanggang mag-adjourn. Sabi ko, small measure of sacrifice para maisabatas ang rh bill.”

Ayon kay Lagman, hanggat hindi pa naman siya naghuhuramentado o nagwawala ay may pag-asa pa rin na maisulong ang period of amendments ng RH bill sa plenaryo.

Apela lamang ni Lagman sa mga co-authors at supporters ng panukala ay kaunting sakripisyo pa para magkaroon ng bunga at mapagtibay na ito sa plenaryo.

Aminado naman si Lagman na kahit nakiusap na rin ang liderato ng Kamara para sa pagkakaroon ng quorum para sa kontrobersyal na panukala ay hindi pa rin talaga 100 percent assurance na lahat ay makakadalo.

Sa katunayan aniya ay araw-araw talagang may text upang umatend ng sesyon ang mga mambabatas.

Pero sa kabila nito, naniniwala pa rin si Lagman na may liwanag pa para sa RH bill at isa pang suggestion nito ay roll call sa simula at sa huli upang ma-monitor kung naroon pa ang mga kasamahang kongresista sa plenaryo.

Maging si Malabon Rep. Jaye Lacson Noel, kabilang sa “soul sisters” at masugid na nagtataguyod sa kontrobersyal na panukala ay tiwala na ngayong linggong ito ay uusad ang deliberasyon ng RH bill sa Kamara.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply