RH Bill posibleng sesertipikahang urgent ni PNoy

PAKIKIUSAPAN ni Pangulong Benigno Aquino III ang mga negosyante na kanyang makakapulong sa Lunes, Disyembre 3, kaugnay sa Reproductive Health (RH) bill.

“Idi-discuss natin (at), makikiusap ako sa kanila, number one, siguraduhin ‘yung quorum; number two, siguraduhin na madesisyunan. ‘Pag iniwan nating nakabinbin, meron ‘yung divisive factor. Pero alam mo sana malaktawan na natin ’yung division. Kailangan magkaroon ng desisyon either way. Kung anong ipasa nila, ‘yon ang ipapatupad ng Executive,” ayon kay Pangulong Aquino.

Inamin ni Pangulong Aquino na kanyang pinanindigan ang kanyang posisyon na isa siyang “pro – Responsible Parenthood”.

Ang rason ng Punong Ehekutibo ay lahat aniya ay may value system, may belief system at kailangan aniya niyang tugunan ang  sinasabi ng kanyang konsensya.

“So hindi magi-impose ang ating partido, ang ating mga kasamahan sa konsensya ng bawat isa. Dapat sila ang magdesisyon. Pero ang mungkahi ay magdesisyon,” ani Pangulong Aquino.

Sa Lunes aniya ay malalaman kung kailangan nang i-certify as urget ang RH bill.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply