Rider patay sa grupo

bangkay

PATAY ang isang binata matapos harangin at saksakin ng isa sa hindi pa kilalang lalaki habang ang una ay sakay ng motorsiklo sa Caloocan City, kagabi, Nobyembre 11.

Dead on arrival sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng saksak sa dibdib at bugbog sa katawan si Jay-Ar Dumayag, 20 ng Langaray St., ng lungsod.

Base sa ulat, dakong alas-8:20 ng gabi, dala ng biktima ang motorsiklo at pagsapit sa Langaray St., ay hinarang ng hindi pa kilalang mga suspek bago binugbog.

Bago magsitakas ay isa ang sumaksak sa biktima na naging dahilan upang dalhin ang biktima sa nasabing pagamutan.

Inaalam na ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng mga suspek at ang motibo sa pamamaslang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply