Rider tigok sa van

TODAS ang rider matapos mabangga ng van sa Caloocan City kahapon ng umaga, Nobyembre 18.

Namatay habang ginagamot sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng pinsala sa ulo at katawan si Mario Benito, 31 ng Jacinto st., ng lungsod.

Sumuko naman sa mga pulis si Bryan Pepito, 22 at stay-in sa Sto. Domingo st., Quezon City at driver ng Elf Close Van (RKH-361).

Sa ulat, dakong alas-9:05 ng umaga, papatawid ang biktima dala ang motorsiklo sa C-3 road ng lungsod nang mabangga ng padating na si Pepito.

Tumilapon ang biktima na naging dahilan upang dalhin sa PDMMMC habang sumuko naman si Pepito sa mga pulis.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply