Rider todas sa taxi at van

TODAS ang rider matapos masagi ng taxi ang manibela at masalpok ng van sa Caloocan City kagabi, Nobyembre 9.

Namatay habang ginagamot sa Manila Central University Hospital sanhi ng pinsala sa ulo at katawan si Roberto San Pedro, 44, ng Guido 2, Maypajo ng lungsod.

Sumuko naman sa mga pulis sina Romulo Padios, 52, driver ng Taxi (TYJ-819) ng Shell House, Kaunlaran Village, Caloocan City at Uldarico Alcantara, 40, driver ng Isuzu Van (XCK-793) ng Galas, Balagtas, Bulacan.

Sa imbestigasyon ni PO2 Reynaldo Gabriel, dakong alas-7:30 ng gabi, binabagtas ng biktima dala ang Suzuki Motorcycle sa C-3 road ng lungsod nang masagi ng taxi ni Padios.

Napunta sa kaliwang bahagi ng kalsada ang biktima na nabundol naman ng van ni Alcantara.

Nabuwal ang biktima na nagulungan pa ng gulong ng van na naging dahilan upang dalhin sa MCU habang sumuko sa mga pulis ang dalawang driver.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply