Riding-in-tandem utas sa parak Rizal

2 patay

RIZAL – Patay ang dalawang hinihinalang holdaper na nakasaky sa motorsiklo matapos na makipagbarilin sa mga pulis na naglatag ng checkpoint sa bayan ng Rodriguez, kagabi (Nobyembre 29).

Ayon kay Rodriguez chief of Police P/Supt. Arthur Masungsong, dakong alas-12:30 ng gabi nang maganap ang engkuwentro sa tapat ng Pamantasan ng Montalban sa Kasiglahan Village, Brgy. San Jose ng nasabing bayan.

Ayon kay Supt. Masungsong, nagsasagawa sila ng checkpoint/chokepoint sa nasabing lugar nang mapadaan ang mga suspek na sakay ng isang motorsiklo na walang plaka.

Pinara ng mga pulis ang nasabing sasakyan subalit sa halip na huminto ay mabilis na nilagpasan ng mga ito ang checkpoint habang ang backrider ay bumunot ng baril at pinutukan ang mga pulis.

Wala nang nagawa ang mga pulis kung hindi gumanti na nagresulta sa kamatayan ng dalawa.

Agad na sumailalim sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Office (SOCO) ang bangkay ng dalawang suspek bago dinala sa punerarya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply