Right-of-Reply, hindi tipo ni PNoy

pnoy

NILINAW ng Malakanyang na bagama’t suportado nito ang konsepto ng karapatan ng publiko na marinig ang kanilang panig ay hindi naman ito nangangahulugan ng pag-endorso ng “right-of-reply bill” na nakabinbin sa Kongreso ngayon.

Ayon kay Deputy presidential spokesperson Abigail Valte, konsepto lamang ng panukala ang suportado ng Chief Executive at wala ng iba pa.

“The president did mention it but my understanding is, it’s the concept,”ayon kay Usec. Valte.

Noong nakaraang Huwebes, Nobyembre 15, sinabi ng Pangulong Aquino sa media na walang dapat na ikatakot sa “right-of-reply bill” kung sinanay lamang ng mga ito ang balanced reporting.

Ang pahayag na ito ay sinabi ng Punong Ehekutibo sa Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP), na ipinagkamali na ng ilan na pagsuporta sa kontrobersiyal na right-of-reply bill.

Ang nasabing panukalang batas ay naglalayong bigyan ang bawat indibiduwal at kompanya ng karapatan na sagutin ang anumang reklamo o pagbatikos sa kanila sa media, kabilang na rito ang newspapers, radio, TV at online news.

May ilang mambabatas ang nagpanukala ng right-of-reply provision sa Freedom of Information (FOI) bill na nananatiling nakabinbin sa Kongreso.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply