Right to reply, tinutulan sa Senado

TINUTULAN ng ilang media advocates, grupo at akademya ang panukalang right to reply na inihain ni Sen. Manny Villar dahil  tahasang paglabag ito sa kalayaan sa pamamahayag at kalayaan sa pagsasalita.

Sa ginanap na public hearing nitong Martes, sinabi nina Lawyer Theodore Tee at Harry Roque, kapwa taga University of the Philippines College of Law, na sakaling maisabatas ang right to reply, hindi lamang manganganib ang kalayaan sa pamamahayag, kundi ipapalit lamang ito sa panukalang decriminalizing libel.

“We support the five bills toward decriminalizing libel, but I opposed the right to reply because it is really a prior restraint, a violation of the freedom of expression and the freedom of the press,” ayon kay Tee.

Sinabi naman ni Roque na susupilin ng panukala ni Villar ang kalayaan sa pamamahayag dahil inaatasan ng panukala na mailathala ang tugon ninuman sa balitang maaaring makasira kaninuman.

“In conformity with the suggestion, sana huwag i-discuss nang sabay, ang right to reply and the bill decriminalizing libel because it will send a wrong signal,  we are hearing the right to reply while deliberating on the decriminalizing libel,” ayon kay Tee.

Sinabi pa ni Tee na kapag pinagsabay ng Kongreso ang pagtalakay sa right to reply at decriminalizing libel, maghahatid lamang ito ng maling senyales sa mamamayan kaya nararapat na paghiwalay ang deliberasyon sa maghiwalay na panukala.

“Ang message, we decriminalize libel, pero ang kapalit nito, right to reply, nagtanggal ka ng isang balakid sa freedom of expression and the press, pinalitan mo naman ng isang balakid, right to reply,” giit ni Tee.

Iginiit naman ni National Press Club vice president Marlon Purificacion na hindi na kailangan pa ang right to reply dahil ipinatutupad na naman ng mga journalist ang balance at parehas na pag-uulat na nakatakda sa   Journalism Code of Ethics.

“We must always be vigilant in the deliberation of the Right to Reply because it might be a tactical move from legislators to pursue the measure in exchange to decriminalizing libel.  “Sana hindi mangyari ito dahil baka bukas makalawa, magulat na lang tayo na na-decreminilize nga ang libel pero ang kapalit pala ay Right to Reply bill,” ayon kay Purificacion.

Pero, tiniyak naman ni Honasan na hindi ipagsasabay ang deliberasyon sa right to reply at decriminalizing libel upang hindi maikompromiso ang pangunahing prinsipyo sa libelo.

“That is not the intention of the committee if you look at our historical performance, I will look at other compromise provisions but not the core principle which is apparently the consensus of the hearing,” ayon kay Honasan.

“Mahihirap pagsabayin (Right to reply and decriminalizing libel) because it goes diametrically to those who opposed the bill. Baka ilagay muna natin sa backburner.

Baka gugulo  ang policy environment kapag paghahalu-haluin,” ayon kay Honasan.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply