Ritz Azul, ilang araw ‘di kinibo ng ina dahil sa sexy pose

BAGO mag-sign ng autograph si Ritz Azul ng TV5 para sa mga bumili ng copies ng November 2012 issue ng FHM last Saturday night, nagkwento muna ito kung paano natanggap ng kanyang conservative family ang kapangahasan niyang mag-pose ng sexy sa naturang mag.

Pangunahing tumutol ay ang kanyang ina sa pagpayag ni Ritz na mag-pose ng sexy na naka-two piece bikini na tanging ang kanyang private parts lang ang may saplot. Bale skimpy bikini outfit ang kanyang isinuot.

Hanggang ngayon, ayon kay Ritz, hindi pa rin tinitingnan ng kanyang ina ang mga sexy at daring photos niya sa FHM. Bukod-tanging ang cover lang ang nakikita nito. Ilang araw rin raw siyang ‘di kinibo nito.

Ang ama naman niya ay madaling natanggap ang kanyang pagpapaseksi sa kanyang FHM pictorial. Pinupuri pa nga raw siya nito. Bukambibig nito lagi-lagi ay talagang dalaga na at maipagmamalaki ang kanyang anak.

Hindi naman lahat ng babae ay biniyayaan ng kaseksihan at beauty ni Ritz. Kaya naman siya ngayon ang pinaka-busy at inaalagaan nang husto ng TV5 Artist Center.

Si Ritz ang binigyan ngayon ng malaking role bilang isa sa mga pangunahing leading ladies ni Derek Ramsay sa first big soap ng actor nang lumipat sa TV5 mula sa ABS-CBN, ang “Kidlat”. First rin ito kay Derek na lumabas bilang superhero sa isang action soap. Mapanonood ang Kidlat simula January 7, 2013.

Una pa namang isinabak si Ritz sa soap pagkatapos niyang lumaban sa reality talent search ng TV5, ang Star Factor, kung saan siya’y No. 4 over-all sa final day kung saan kinakitaan talaga siya ng potential para maging magaling na artista lalo pa’t uso ngayon sa mga pelikulang Pinoy ang mga sexy body ng mga artista kung saan kadalasa’y marital at extra marital affair ng mag-asawa ang tema.

Hindi lang face value ang panlaban ni Ritz nang una siyang isinabak ng TV5 sa soap na “Nagbabagang Apoy”. Aba! naitampok rin rito ang kanyang kaseksihan nang kunan ang wet look scenes nila ni Arci Munoz sa ilog. Kita na sa pagbabasa ni Ritz sa dalampasigan na may maipagmamalaking boobs siya. Ikaw ba naman ang magkaroon ng vital statistic na 36-26-36.

Nahasa sa drama si Ritz nang nakasama niya bilang isa sa mga bida ng Glamorosa kung saan kasama niya sina Lorna Tolentino at Alice Dixson.

Sa bagong soap ng Kidlat, di pa alam ni Ritz kung may sexy scenes siya. Tomboyish ang kanyang role at nag-i-stunt siya rito kasama si Derek.

000

NANGHINAYANG ang production people ng bagong soap na “Pahiram ng Sandali” ng GMA7 dahil sa biglaang pag-backout ni Kylie Padilla sa soap. Diumano, ang dahilan ng pag-back out ni Kylie ay ang nakaambang mga eksenang kailnngan ang tunay at ‘di pekeng kissing scenes na usung-uso ngayon sa mga local soap opera. Bukod pa rito, maaaring magkaroon rin siya ng love scenes kay Dingdong Dantes o kay Neil Ryan Sese, ang dalawang actor na mag-aagawan sa pag-ibig niya sa istorya.

Sa pag-back out ni Kylie sa Pahiram ng Sandali, hinuhulaan pa kung sino ang karapat-dapat na ipalit sa anak ni Robin Padilla. Maraming pangalang naglilitawan na pampalit ng GMA7 kay Kylie pero matunog na naming naririnig ang pangalan ni Max Collins o puwede rin raw ang isang talent ng GMA7 na galing sa StarStruck.

Pero may existing soap pa ngayon si Max, ang “Coffee Prince”. Kita naman kasi rito na uubra na siyang gumanap sa mga mature roles, bukod pa sa super ganda niya at bagay na bagay na maging leading lady ni Dingdong bukod pa sa iisa ang kanilang manager, si Perry Lansigan.

Mapapayag kaya si Max o yung isa sa StarStruck star ng network?

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply