Rizal Park nilagyan ng 30 CCTV cameras

MAY 30 closed-circuit television (CCTV) cameras ang inilagay ng National Parks Development Committee (NPDC) sa buong paligid ng Rizal park upang matiyak ang kaligtasan ng publiko na namamasyal sa parke lalo na sa panahon ng Kapaskuhan.

Ayon kay Kenneth Montegrande, tagapagsalita ng NPDC, ang mga naturang camera ay ikinalat sa pagitan ng Quirino Grandstand hanggang sa Taft Avenue sa Ermita, Manila upang matiyak na ang kahabaan ng parke ay kanilang mamo-monitor.

Kabilang sa mga inilagay na camera ay yaong mga stationary camera at mayroon din namang maaaring mag-rotate ng 360 degrees.

“Hindi ito bababa sa 30, all over, inside and outside,” pahayag pa ni Montegrande.

Nabatid na ang paglalagay ng CCTV cameras ay bahagi ng pagsusumikap ng NPDC para maprotektahan ang mga turista at mga bisita ng Rizal Park.

Nakaugalian na ng ilang turista at maraming pamilya Pilipino na bumisita sa Rizal Park sa panahon ng kapaskuhan at gayundin sa weekends upang mag-bonding at puntahan ang kanilang mga paboritong pasyalan tulad ng pamosong dancing fountains.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply