Rocco Nacino single pa rin!

rocco-nacino

“SINGLE pa rin ako ngayon.” Bale ito ang paulit-ulit na pahayag ni Rocco Nacino sa interview namin sa kanya re -cently. Nasabi ng brown-skinned actor na hindi na siya updated ngayon sa buhay ni Sheena Halili, ang babaing na-link sa kanya rati.

Katwiran ni Rocco kung bakit ‘di sila nagkikita ngayon ni Sheena ay dahil pareho silang busy sa kani-kanilang schedule. Busy si Rocco sa tambalan nila ni Lovi Poe sa “Yesterday’s Wife”. Three to four days a week ang taping nila, samantalang si Sheena ay busy rin ngayon sa taping ng “Indio”, ang first soap opera ni Sen. Bong Revilla sa GMA 7.

Ani Rocco: “Di kami nagkikitang dalawa ngayon. Di ko nga alam ang nangyari sa role niya sa Indio. Dapat ay mag -kasama kami sa Indio pero mas nagustuhan ko ang role ko sa Yesterday’s Wife. Di naman ako puedeng magdalawang soap.”

Tungkol kay Lovi, ang leading lady niya sa pangalawang pagkakataon, ganon pa rin ang paghanga ni Rocco sa dalaga. Hinding-hindi niya makalilimutan si Lovi at hindi rin daw nagbabago ang crush niya sa una niyang nakatambal sa episode ng “Dear Friend” nung katatapos lang niyang maging isa sa top winners ng StarStruck 5.

Nang nakita nga namin sina Lovi at Rocco sa set ng Yesterday’s Wife, super sweet sila. Parang pag nagkikita sila ay matagal nang ‘di nagkikita. Eh, araw-araw ay nasa set sila ng soap. Ganyan raw ang kanilang friendship.

Nang tanungin namin si Lovi kung single pa siya, mariing sinabi niyang “Yes, single pa rin ako.”

Ano kayang mangyari kina Lovi at Rocco ngayong pareho na silang single?

Wala raw kaming masabi, o! Hahahahahahaha!

000

IBANG drama sa buhay naman ang papasukan ni Michael V. bilang si Pepito Manaloto ngayong Sunday sa kanyang reality comedy show. Mahihilig kasi siya sa photography.

Sa takbo ng mga pangyayari ngayong Sunday, sina Pepito (Michael V) at Elsa (Manilyn Reynes) ay nag-malling kasama sina Patrick (John Feir) at Baby (Mosang). Bibili ng camera si Pepito para sa bago niyang hobby – ang photography. Sasali rin siya sa camera club contest para sa best sunset photo. Si Elsa ba ang kanyang magiging model? Manalo kaya siya sa contest? Saan kaya dadalhin ng bagong hobby niya si Pepito?

Si Baby naman nang maghuhulog ng pera para sa kanyang pamilya sa probinsya, may nakilalang crying lady. Pero anong nangyari at umuwi siyang tulala? May kinalaman ba ang tatlong milyong piso na laman ng bag na pinahawak sa kanya ni Rose, ang babaeng nakilala lang niya sa mall?

Na-hypnotize at nabudul-budol nga ba si Baby? Sino ang makatutulong sa kanyang mabawi ang Php10,000 na binigay niya kay Rose?

Alamin kung anong katatawanan at kalokohan ang aabutin ng pamilyang milyonaro ngayong Linggo sa Pepito Manaloto, Ang Tunay na Kuwento, pagkatapos ng 24 Oras Weekend sa GMA 7.

Panauhin sa episode sina Maey Bautista at Onyok Velasco.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply