Rolbak minaliit ng PISTON

DISMAYADO pa rin ang Pinagkaisang Samahang ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) sa pagpapatupad ng kaltas presyo ng mga kompanya ng langis.

Ayon kay PISTON president George San Mateo, hindi sapat ang ipinatupad na rollback ng mga kumpanya ng langis sa presyo ng kanilang mga produktong petrolyo.

Iginiit pa ni San Mateo na masyadong maliit ang ipinatupad na 35 sentimos na tapyas sa presyo ng kada litro ng unleaded gasoline.

Sinabi ni San Mateo na malaking kapakinabangan para sa mga tsuper at mga motorista kung naging malakihan ang ipinatupad na bawas presyo ng mga kumpanya ng langis.

Maliban dito, ipinagtataka ni San Mateo kung bakit hindi kasama sa rollback ang diesel na pangunahing ginagamit ng mga tsuper sa kanilang sasakyan sa pamamasada.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply