Rollback sa presyo ng LPG ipinatupad ngayon

MAGPAPATUPAD ng bawas presyo ang produktong Liquified Petroleum Gas (LPG) ngayon Huwebes, Nobyembre 29.

Ibababa sa P1.50 kada kilo o katumbas na P16.50 kada 11-kilong tangke ang Solane LPG kaninang alas-12:01 ng hatinggabi.

Sa parehong oras, P1.65 kada kilo ang ibinawas naman ng Petron sa kanilang Gasul at Fiesta Gas, katumbas ng P18.15 kada tangke.

Samantala P1.03 kada kilo naman o P11.33 sa kada 11-kilong tangke ang itinapyas sa Xtend autoLPG kanina ring hatinggabi.

Batay sa ulat, ang paggalaw ng presyo ay dulot ng pagbaba ng international contract prices ng LPG sa merkado sa darating na buwan ng Disyembre.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply