Romney lumalamang kay Obama – CNN

LAMANG ang Republican challenger na si Mitt Romney kay President Barack Obama sa isinasagawang eleksyon sa Amerika, ayon sa early projection ng CNN.

Base sa latest na ulat ng CNN, humakot na nang 152 electoral college votes si Romney mula sa 17 estado, at 123 pa lang ang nahahakot ni Obama mula sa 11 US states at Washington, D.C.

Espekulasyon ng CNN, sinasabing kopo ni Romney ang Kansas, Los Angeles, Mississippi, Nebraska, North Dakota, South Dakota, Texas at Wyoming habang makukuha naman ni Obama ang Michigan, New Jersey at New York.

Samantala, ayon sa ulat ng Associated Press, panalo si Romney sa West Virginia, South Carolina, Indiana, Tennessee at Georgia, habang si Obama naman ang nanalo New Hampshire at Vermont.

Kasalukuyang hinihintay naman ang resulta sa Ohio kung saan sinasabing kung sino man ang manalo rito ay siyang tiyak na magwawagi at magiging bagong presidente ng Amerika.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply