Imbes na preggy dolls, aklat iregalo sa mga bata

INIREKOMENDA ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mga magulang at mga ninong at ninang na mga aklat ang iregalo sa mga bata ngayong Pasko imbes na mga laruang baril-barilan at mga buntis na manyika.

Ang naturang pahayag ay ginawa ni Legazpi Bishop Joel Baylon, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Youth, kasunod nang pagiging uso sa ngayon sa merkado ng mga baril-barilan at yaong tinatawag na “‘preggy dolls” na nagbibigay lamang aniya ng maling mensahe hinggil sa pagbubuntis.

Ayon kay Baylon, mas mainam kung Banal na Bibliya, librong “PEDRO CALUNGSOD, Patron for the Filipino Youth” na isinulat ni Fr. Salvador G. Agualada, Jr., CMF, at mga children’s book, ang siyang ipangregalo sa mga kabataan upang kapulutan ng aral ng mga ito at higit na mapalapit ang mga bata sa Panginoon.

Sa pamamagitan nito ay muli rin aniyang mahihikayat ang mga bata na gawing habit ang pagbabasa.

Sinabi pa ng Obispo na bagamat hindi pa siya nakakakita ng preggy dolls ay mahigpit ang pagtutol niya sa pagbibigay nito sa mga bata o maging sa mga teenager.

“I haven’t seen one, but from the looks of it, these ‘preggy dolls’ are not to be encouraged as Christmas gifts, especially to young (unmarried) people! They do send a wrong message, which is, ‘it’s ok to get pregnant!’” sinabi ng Obispo.

Sa kabila nito, nilinaw ng Obispo na isang magandang bagay ang pagbubuntis ngunit dapat aniya ay nasa tamang panahon o kung kasal na ang isang babae.

“Pregnancy is never a wonderful thing outside of marriage,” paliwanag pa niya.

“Surely there are many other gifts we can give our children this Christmas than just toys. For a change, I would like to suggest that parents give their children books this Christmas,” anang Obispo.

“Let us encourage our children to return to and appreciate the habit of reading books, a practice that is slowly but surely dying — because of the phenomenal influence of the digital world on the young, where visuals rather than words are most attractive and powerful,” aniya pa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply