Sa PhilHealth, bawat Pilipino, miyembro!

abiso-marikenyo-paul-edward-sison-online

PANSIN NA PANSIN at ramdam na ramdam naming nasa LGU ang presensya at pagiging agresibo ng PhilHealth sa sinumpaang misyon na 100% coverage para sa universal health care.

Ito ay batay sa priority program ni Pangulong Noynoy Aquino na isinalin namin ni Philhealth president Dr. Eduardo Banzon sa pilosopiyang “Bawat Pilipino, Miyembro! Bawat Miyembro, Protektado. Kalusugan Natin, Segurado.”

Alam mong sinsero si PNoy at si Banzon sa pangarap na ito dahil ginagawa nila ang mga dapat gawin kahit pa hindi popular ito sa simula – tulad ng pagtaas ng monthly contributions. Makikita mong they mean business kasi pati sa budget allocation ng Department of Health ay substantial na siya. Pati nga ang Sin Tax Bill ay itinaguyod ng Palasyo para magamit ang koleksyon nito para sa Philhealth.

Nung huling SONA ng Pangulo, nasabi nya na 85% na ang coverage ng Philhealth. Ito ay batay sa records ng Philhealth. Ngayon, dahil sa puspusan at desidido ang administrasyon na magkaroon ng PhilHealth ang bawat pamilyang Pilipino nais nilang malaman ang actual at accurate na bilang ng mga nakaaalam sa PhilHealth, ng mga miyembro ng PhilHealth, at mga nakagamit na ng benepisyo nila sa PhilHealth.

Ito ay tinawag ni Banzon na Project Suyod. Originally, siguro, ang naisip nya ay mag-house-to-house census. Pero, baka nang malaman nya na magastos ito at ang magpa-survey sa SWS o Pulse … minabuti niyang lumapit sa UP Economics Foundation para magpatulong kung papaano makuha ang impormasyon na kailangan niya sa mas murang halaga.

Kaya kung katulad ko kayo na naniniwala na seryoso si PNoy at Banzon na mabigyan ng PhilHealth ang bawat pamilya – tulungan natin sila na malaman ang actual coverage, awareness at usage levels ng Philhealth.

Kakailanganin nila ang tulong ng mga lokal na opisyal sa mga probinsya para mapatupad ang kanilang hybrid survey na gaganapin sa bayaran ng business permits, amelyar, 4Ps/CCT, school enrollment, atbp. Kailangan din nila ang tulong ng mga opisyal ng mga professional associations ng mga duktor (PMA), dentista (PDA), engineers, architects (UAP), abugado (IBP), employers (ECOP), negosyante (PCCI), managers (MAP), HR (PMAP), labor unions, atbp. para sagutin ng mga miyembro nito ang hybrid survey bilang tulong nila sa misyon na universal health care para sa bawat pamilya.

Pilot provinces ang Leyte at Pangasinan ngayong Enero hanggang Mayo. Alam naman natin na babangga ito sa 2013 local elections, di po ba? Ngunit, di na raw makakapaghintay ang programa para sa 100% Philhealth coverage.

Kaya’t sa mga residente ng Leyte and Pangasinan, tulungan natin ang PhilHealth sa gagawin nilang survey.

Maaasahan po ba namin kayo?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply