Sa sobrang pagka-ander de saya… Aktor halos turuan ni misis ng ‘Teach Me How To Dougie’ sa harap ng madlang pipol

angelica-and-john-lloyd-cruz

PARATING usap-usapan at pulutan ng mga beteranang artista ang mag-asawang aktor at dating aktres kapag sila’y nagkakaipon-ipon. Awang-awa sila sa una dahil halos turuan daw ito ng asawa sa harap ng madlang pipol ng ‘Teach Me How Dougie’. May ilang insidente raw kasi na habang nasa entablado si misis at nagsasalita sa harap ng publiko ay tinawag nito si mister at pinagsalita nang ayon sa gusto niyang sabihin nito. At kinokontra naman kapag hindi niya gusto ang binubuka ng bibig nito. Aba’y kulang na lang sabihin ni dyowa na ‘Brownie, seat!’, ‘Blackie, roll!’ Hahaha!

Minsan naman nang magkaroon ng kaaway si esmi, hindi ito mapigilan ng aktor. Kapag hinahawakan niya ay sinisiko lang siya. Kaya imbes na awatin ang una, sinakyan na lang nito at tinalakan na rin ang kalaban. Alam n’yo ba kung sino ang enemy ni madam? Isang bading at isang girlita. Hehehe!

***

John Lloyd at Angelica pagsasaluhan ang bawal na pag-ibig

REEL at real love ang handog sa moviegoers ng tambalan ng sikat na celebrity couple na sina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban sa kanilang espesyal na episode sa pinakaaabangang romance anthology at star-studded celebrity movie event ng taon na handog ng Star Magic at Star Cinema, ang “24/7 In Love” na ipalalabas na sa mga sinehan sa buong bansa bukas, Wednesday (November 21).

Sa labis na sakit na dulot ng pagtataksil ng kanyang asawa, tutungo si Verna (Angelica) sa Vietnam upang magbakasyon at muling buuin ang kanyang sarili. Doon, magkukrus ang landas nila ng Pinoy waiter na si Elvis (John Lloyd) na siyang magbibigay saya at hihilom sa kanyang pusong sugatan.

Dahil sa kapwa nag-uumapaw nilang emosyon, hindi naging mahirap para kina Verna at Elvis na mapalapit at buong layang maipinaramdam ang pag-ibig sa isa’t isa. Ngunit ang mga malulungkot na naranasan sa kanilang nakaraan ang mistulang gigising sa kanilang magandang panaginip.

Maaayos pa ba ni Verna ang relasyon sa nagtaksil na asawa o pipiliin niyang maging mas maligaya kasama ang lalaking buong puso siyang sinasamba?

Bukod sa episode nina John Lloyd at Angelica, tampok rin sa star-studded romance anthology na “24/7 in Love” ang mga tambalan nina Piolo Pascual, Zaijian Jaranilla, at Xyriel Manabat; Zanjoe Marudo at Bea Alonzo; Sam Milby at Pokwang; Diether Ocampo at Maja Salvador; Daniel Padilla at Kathryn Bernardo; at Kim Chiu at Gerald Anderson.

Bahagi rin ng “24/7 In Love” ang iba pang Star Magic artists na sina John Lapus, Maricar Reyes, Jayson Gainza, Matt Evans, Nina Dolino, Joseph Marco, Jason Francisco, Helga Krapf, Andrei Felix, Seppi Borromeo, at Ian Rusell.

Ang “24/7 In Love” ay bahagi ng engrandeng pagdiriwang ng 20th anniversary ng Star Magic. Ito ay sa ilalim ng direksyon ng apat sa pinaka-promising young directors ngayon na sina Mae Cruz, Dado Lumibao, John D. Lazatin, at Frasco Mortiz.

***

Para sa opinyon at reaksyon, magtext sa  09074582883/09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.                   

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply