‘Safe 2013’ inilatag na ng PNP para sa 2013 polls

TINALAKAY ngayon sa Camp Crame ang mga security measure na inilalatag ng binuong Task Force SAFE o Secure and Fair Election para sa darating na May midterm elections sa susunod na taon.

Ayon sa isinagawang pulong balitaan ngayon sa Camp Crame ay kabilang sa mga tinalakay ang ginagawnag pagtutok sa ilang lugar na itinuturing na election hot spot at mga sinasabing areas of immediate concern.

Nanguna sa ginanap na presentation ng mga security measure para sa midterm elections ay si Interior Secretary Mar Roxas, out going PNP chief Director General Nicanor Bartolome at Task  Force SAFE Commander at incoming PNP chief Deputy Director General Allan Purisima.

Ayon kay Purisima bahagi ng kanilang paghahanda para sa darating na halalan ang paglalatag ng seguridad upang matiyak na magiging mapayapa, maayos at matiwasay ang eleksyon sa ilalin ng kanilang SAFE 2013 theme.

Kabilang sa mga tinututukan ngayon ng PNP ang mga areas of immediate concern kung saan mayroon mahigpit na pagtutunggalian ang mga magkakalabang partido at ang mga grupong posibleng nagmamantina ng mga tinatawag na private armed groups.

Nabatid na masusing minamanmanan ng mga awtoridad ang umano’y 60 partisan group sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply