Sakit ‘di nakayanan: Lolo nag-suicide, patay

crime3

NAGBARIL sa sarili ang isang 72-anyos na lolo nang hindi na makayanan ang iniindang sakit na kanser sa Caloocan City, kaninang madaling araw.

Kinilala ang nagpatiwakal na si Eduardo Taverna y Ladion, may-asawa at taga-Brgy. 4 ng nasabing lungsod.

Si Taverna ay nagtamo ng isang tama ng bala ng 9mm pistol sa kanang sentido.

Ayon sa ulat, dakong alas-3:30 ng madaling araw nang magpatiwakal ang biktima sa loob ng kanyang bahay sa nasabing lugar.

Nabatid na matagal nang iniinda at nahihirapan ang bikitma sa sakit niyang lung cancer.

Narekober ng mga tauhan ng Crime sf Scene Opiratives (SOCO) ang baril na ginamit sa tabi ng bangkay ng biktima at ang suicide note nito kung saan nakasaad ang mensahe nito sa kanyang pamilya.

“Sorry hindi ko na kaya salamat sa mga kapatid Vicky, Ding, Jun, Lilly, mga apo ko, lalong lalo si Let Llavis.”

Gayunaman, inaalam pa ng pulisya kung may naganap na foul play sa nasabing insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply