Salamat Gawad Amerika Foundation at sa mga Pinoy

SAN FRANCISCO, CALIFORNIA USA- Nakapangingilabot ang init na ipinadama ng mga kapatid nating Pinoy na nakabase sa Estados Unidos.

Ito ang pamilya Simbulan na nakabase sa Los Angeles California na ika-11 taon ng nagbibigay ng parangal sa mga katangi-tanging Pinoy sa lahat ng sulok ng daigdig.

Ang pamilya Simbulan na nangangasiwa ng Gawad Amerika Foundation ay inimbitahan ang ULTIMATUM sa Amerika para tanggapin ang parangal bilang MOST OUTSTANDING FILIPINO IN THE FIELD OF MEDIA.

Salamat kay Bagong Toro Entertainment Editor Joey Sarmiento sa ibinigay niyang credentials ng inyong lingkod sa Gawad Amerika Foundation kung kaya napansin ang ating maliit na kontribusyon sa mundo ng media.

IBA PANG PINARANGALAN

Kabilang din sa mga pinarangalan na dumayo pa sa Celebrity Center, Los Angeles California sina Senador Jinggoy Estrada na tumanggap ng Lifetime Achievement Award, Congressman Manny Pacquiao, Bulacan Vice Governor Daniel Fernando, Vice Mayor Isko Moreno at Public Attorney’s Office Chief Atty. Persida Acosta.

AGAWAN SA CALIFORNIA

Mahihilo ka talaga kung sino ang sasamahan mo kapag sa Amerika ka mapupunta.

Nang malaman ng ating kaibigan na si Atty. Aster Torres na nasa LA tayo ay naghanda kaagad ito ng accommodation para sa atin.

Ipinasyal tayo ni Atorni sa simbahan ng San Lorenzo Ruiz na talaga nga namang mapapanganga ka na lang sa ganda at laki.

Hindi rin nawala ang ating mga ka-batch sa Chiang Kai Shek College na sina Joseph Ching, Ubena Chua at James Uyseco na salitan kung mag-asikaso sa atin bilang drayber at tour guide.

Ang may-ari ng Little Ongpin Filipino Restaurant sa Sunset Boulevard, Hollywood LA na si Vermont Villago ay iniwan pa ang kanyang sasakyan para lang may magamit tayo at siyempre pinatikim din tayo ng kanyang super pandesal na grabe ang sarap, di gaya ng ating pandesal sa Pinas na “ampao”.

Si Andrew Corro naman ang taga-load ng ating prepaid cellphone para lang makatawag tayo sa Pinas tuwing kinakailangan.

SA SAN FRANCISCO

Pagdating pa lang natin sa San Francisco ay pilit na tayong pinatulog ng mag-asawang Reynaldo at Yvette Sanguyu sa kanilang magandang bahay.

Sa madaling salita ay hindi na tayo pinayagang mag-hotel pa.

Siyempre with matching baby sitter pa tayo na kinabibilangan nina Susie Racelis, Gwenn Racelis (na maganda raw siya at huwag kong sasabihing mataba), Sunny Ignacio at ng mag-asawang Bingo at Inkee Munoz.

HUMAHABOL PA

Kahit sangkatutak ang ating iskedyul ay humahabol pa ang ating mga ka-batch sa CEU Medtech na sina Erwin Mendiola at Al Bon na makasama man lang tayo kahit sandali.

Nalaman kasi nila na nakasalo natin sa isang hapunan ang pamilya ni Myrel aka Emma Dy.

Wala rin kasing tigil si Marissa Ilagan nang katatawag sa kanila kahit na nasa Chicago na, at sinasabing… “Asikasuhin n’yo si Benny”

SALAMAT!  SALAMAT!

Maraming maraming salamat sa lahat ng taong nabanggit natin.

Ang mga sandaling pagtitiyaga nila sa isang Benny Antiporda ay tatanawin nating isang malaking utang na loob.

Marami palang nagmamahal sa atin.

Mabuhay kayong lahat!

MGA PULIS DISIPLINAHIN

Napapansin ba ninyo, mga Bro, ang nagaganap sa hanay ng kapulisan ngayon?

Nakakatakot na, nakahihiya at nakapanghihina pa ng loob.

Anak ng tokwa, kaiba na yata ang mga pulis ngayon kumpara sa mga parak na khaki boys noong bata pa ako.

Noon, kahit batuta lang ang hawak ng pulis, buo ang respeto ng mamamayan. Ngayon, iniiwasan na sila.

Ang masakit, nadadamay ang higit na nakararaming matitino at tapat sa mga sinumpaan nilang tungkulin: ang “to protect and serve the people.”

MISIS PATAY SA PULIS

Isa sa mga pinakahuling kaso ng nakakikilabot na pulis ang pagkakapatay ng isang misis sa isang motel sa Traveller’s Inn, Sampaloc, Manila.

Ayon sa mga ulat, mga Bro, niyaya pa ng pulis ang misis niya sa simbahan para magsimba.

Pagkatapos ay pumunta sila sa nasabing motel. Doon na naganap ang pagpatay sa kanyang sariling misis sa harap mismo ng kanilang mga anak na 2 at 4 taong gulang.

Ang sabi, may nagaganap na misteryo sa buhay ng kanyang misis habang nasa abroad ito at kinimkim niya ito.

Dinaan na lamang nito sa kamatayan ang lahat.

Ang nakatatakot dito ay hindi na pinaraan ng pulis ang katarungan sa proseso ng batas at inilagay niya sa kanyang sariling kamay ang lahat.

Anak ng tokwa, kaiba na yata ang mga pulis ngayon kumpara sa mga parak na khaki boys noong bata pa ako.

TINIMBANG NGUNIT KULANG

Hindi naman natin maintindihan ang mga Cavite police kung bakit solved na raw ang pagpatay kay Cyrish Magalang, isang cum laude graduate.

Umamin na kasi ang mga suspek na sina Lorin at Roel Gacita sa media kaya “case closed” na.

Pero wala tayong narinig, mga Bro, na aksyon ang mga ito sa pagka-high sa drugs sina Gacita noong ginawa nila ang krimen.

Wala na bang follow-up laban sa drugs ang Cavite police? Diyos ko po!.

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa  09214303333.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply