Salvage victim na nasa balikbayan box, natagpuan sa QC

NAKABALUKTOT sa loob ng isang balikbayan box nang matagpuan ang isang hindi pa nakikilalang lalaki na wala ng buhay at hinihinalang biktima ng summary execution sa Quezon City.

Inilarawan lamang ng mga pulis ang biktima na tinatayang nasa 25-30 anyos, may kapayatan, 5’ ang taas, naka itim na t-shirt at short pants may tattoo na ‘andre’ sa kanyang likod at sa daliri .

Batay sa isinumiteng ulat ni SPO4 Rafael de Peralta ng Criminal Investigation and Detection Unit , nadiskubre ang bangkay ng biktima pasado ala 1:20 ng madaling araw sa loob ng isang balikbayan box na nasa panulukan ng A.Bonifacio at Luna St., sa Brgy. N.S. Amoranto, La Loma, Q,C.

Ayon sa mga nagrorondang tanod, inakala nilang bagay lamang ang nakalagay sa loob ng karton ngunit laking gulat nila ng makita ang bangkay ng biktima na nakabaluktot sa loob nito.

May bakas umanong pagkakasakal sa kanyang leeg ang biktima at pagkakagapos sa magkabila nitong mga kamay.

Patuloy pa rin sa pangangalap ng impormasyon ang mga pulis upang matukoy ang pagkakakilanlan nito.

Samantala, isang babaeng palaboy ang minalas na hit and run ng isang ten wheeler truck sa harapan ng Department of Agrarian Reform sa Elliptical road sa Quezon City circle pasado alas 11:00  kamakalawa ng gabi.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply