Sana’y maka-move on na!

NILINAW ni Direk Dante Nico Garcia ang isyu na ginagamit lang daw nila ni Angelica Panganiban ang relasyon ng aktres kay John Lloyd Cruz para pag-usapan ang pelikula nilang Madaling Araw, Mahabang Gabi. Sa press launch ng pelikula, sinabi ni Direk Ga, tila wala naman raw keber sina Lloydie at Angel kung ano pa ang sabihin ng ibang tao tungkol sa kanila, masyado raw malalim at intense ang pagmamahalan ng dalawa para pagtuunan pa ng pansin ang sasabihin ng ibang tao. Naikuwento rin ni Direk Ga, nag-usap na araw sila ni Lloydie. Teka, ano naman ang pinag-usapan nila ng aktor?

“Kung anu-ano lang. Basta alam na ni Lloydie na ang gusto ko lang ay ang kaligayahan nila ni Angelica.” Sabi pa nito na hindi rin naman lingid sa kaalaman ng lahat na siya ang nagpakilala kay Derek Ramsay sa aktres na naging boyfriend ni Angelica ng anim na taon.

Ikinatuwa rin ni Direk Ga ang R-16 ratings na ibinigay ng MTRCB sa pelikula. Mismong si Leah Navarro raw ang nag-review nito at bagama’t tinatalakay ang usaping tungkol sa mga bagets na pasaway sa Madaling Araw, sinigurado raw ni Direk Ga na walang pagmumura na maririnig ang mga audience sa pelikulang ito.

“Ang habol ko lang naman ay mapanood ito sa lahat ng SM Cinemas. Kaya natuwa ako na binigyan siya ng rating na R-16, sabi nga kasi sa review, the movie is too smart for a 13 yr. old. Malaking bagay rin kasi kung ipalalabas ito sa SM Cinemas. Kung hindi, maraming manonood ang madi-deprive na mapanood ito.”

Shot in Palawan, kasama sa pelikula sina Glaiza de Castro, Dominic Roco at marami pang iba.

Excited si Direk Ga dahil after Ploning, ito na raw ang baby niya na talagang pinagpaguran niya at lahat ng mga artista niya rito ay puro labor of love lang, as in walang bayad. Taraaaay!

————-0————

NAALALA niyo pa ba ang father and son tandem na sina Atty. Jose Sison at Atty. Jopet Sison ng Kapag May Katwiran… Ipaglaban Mo? Yes, muli nating mapanonood ang Ipaglaban Mo matapos itong mawala sa ere ng sampung taon pero sabi naman ni Atty. Jose Sison, hindi raw totally nawala ang programa nila because it still gets aired sa radyo.

Tinanong namin si Atty. Sison kung ano ang ipinagkaiba ng kanilang programa sa ibang kahawig ng show nila? Aniya, lahat daw ng kuwentong tinatalakay nila sa Ipaglaban Mo ay mga kasong nalutas na. “Nalutas na ng husgado ang mga kuwento. Hindi lamang ito opinyon ko, o ng ibang abogado. Ito ay nalitis na sa korte. “Closed cases na kumbaga. Batas ito. Lahat ng desisyon ng Supreme Court, ‘yun ang dapat masunod dahil ito ang batas.”

Ang Kapag Nasa Katwiran….Ipaglaban Mo ang isa sa mga idinirehe ni Direk Ga sa kanyang pagbabalik-telebisyon at ito rin mismo ay co-produced ng kanyang production outfit na Glad TV na itinayo niya nu’ng siya ay production designer pa lang.

Sa Nov. 10 na ipapalabas ang Ipaglaban Mo, at sa GMA News TV ito mapaapanood, 2:30 ng hapon.

—————0————-

ANO kaya ang say ni Shaina Magdayao sa statement ni John Lloyd Cruz na sa lahat ng naging karelasyon niya eh, si Kaye Abad ang pinakahindi niya malilimutang pag-ibig?

At sa lahat ng babaeng minahal raw ng aktor, ngayon lamang raw siya naging lubos na maligaya sa piling ni Angelica?

Matatandaang sobrang ipinaglaban ni Shaina si Lloydie nu’ng panahong magkarelasyon pa sila kaya curious ang fans sa reaksyon ng aktres. Pero mas okay na rin na hindi na magkomento pa si Shaina.

Hangad ng mga malalapit sa aktres, makahanap na rin ito ng isang lalaking magmamahal at kukumpleto sa buhay niya.

Namaaaan!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply