Sanggol patay, 27 sugatan sa aksidente sa Zambo Norte

NAMATAY ang isang anim na buwang sanggol samantalang 27 ang nasugatan makaraang sumalpok ang sinasakyang trak sa bayan ng Tampilisan, Zamboanga del Norte.

Ayon sa pahayag ni Zamboanga del Norte provincial police director Senior Superintendent Sopronio Elcaldre, ang mga biktima ay nakasakay sa mini truck na may plakang SGD 215 na pag-aari ng Mabuhay municipality at minamaneho ng isang Seferino Bohol Anunat, 53, na natuklasang walang lisensya sa pagmamaneho.

Ang grupo ay nagmula sa bayan ng Liloy, Zamboanga del Norte patungong Ipil sa Zamboanga Sibugay nang maaksidente ang trak sa bahagi ng highway sa Barangay Kamol sa Tampilisan town dakong alas 9 ng umaga nitong nakaraang Linggo.

Nabatid na mabilis na pinatatakbo ng driver ang truck habang tinatahak ang highway at tinangkang lagpasan ang nasa unahang motorsiklo nang biglang mawalan ng kontrol at nagpapagewang-gewang na nagresulta sa pagkaka-aksidente.

Ang mga biktima ay isinugod sa Zamboanga Sibugay Provincial Hospital at nilalapatan ng lunas pero binawian ng buhay ang sanggol na hindi muna binanggit ang pangalan.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply