Sangkot sa Aman Futures scam na inilagay sa ‘lookout order’ nadagdagan

116964_BnMainFea

NADAGDAGAN pa ngayon ang pangalan ng mga sangkot sa Aman Future pyramiding scam sa mga inilagay sa “lookout bulletin” ng pamahalaan.

Sa tatlong pahinang supplemental omnibus lookout bulletin order na nilagdaan ni Justice Secretary Leila De Lima, kasama sa mga nadagdag sa 38 nauna nang isinailailm sa look out order ng Bureau of Immigration (BI) ay sina; Atty. Isagani Subol Laluna, at Wilanie Labrador Fuentes.

Kaugnay nito, mahigpit na babantayan ng BI ang posibleng paglabas sa bansa ng dalawang indibidwal sakaling ang mga ito ay dumaan sa mga immigration counter sa alinmang mga international airport at seaport sa bansa.

Inaatasan na rin ni De Lima ang lahat ng immigration officers na sakaling mamataan ang dalawang indibidwal sa mga paliparan at pantalan ay agad na i-report sa kagawaran lalo na ang petsa at oras ng kanilang departure, flight number ng eroplanong sinakyan at ang bansa na kanilang pupuntahan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply