Santa Claus walang kaugnayan sa Pasko

WALANG kaugnayan sa Pasko si Santa Claus. Ito ang paalala ng mga opisyal ng Simbahang Katolika sa mga mamayaan at sinabing huwag gawing komersiyalismo ang pagdiriwang ang banal na araw.

Ayon kay Malolos Bishop Jose Oliveros, mas mainam na gawing simple ang selebrasyon ng Pasko.

Aniya, mas mahalaga ang “internal preparations” kaysa external preparations.

“Externally nagiging commercial dahil sa ating mga ginagastos kapag Pasko, dapat maiwasan natin ang excessive materialistic way of celebration.”

Ayon pa sa Obispo, mas mabuti aniyang unahin ang spiritual preparation ng selebrasyon.

“True joy must come from within sa pagtanggap natin kay Hesus na ipinanganak sa sabsaban.” pahayag ni Bishop Oliveros sa panayam ng Radio Veritas

Sinabi naman ni CBCP-NASSA chairman Manila Auxiliary Bishop Jose Oliveros na walang kaugnayan sa kasaysayan ng pasko si Santa Claus.

Binigyan diin ni Bishop Pabillo na dapat nang baguhin ng mananampalataya ang pagkilala kay Santa Claus sa mga bata tuwing Pasko bilang bahagi ng selebrasyon ng year of faith ngayong taon ng Simbahang Katolika.

Paliwanag pa ng obispo na hindi si Santa Claus ang sentro ng selebrasyon tuwing Pasko kundi ang pagdiriwang sa kapanganakan ni Jesus.

Mahalagang ituro aniya ng mga magulang at mga paaralan sa mga bata na ang dahilan ng ating pagpa-party tuwing Pasko ay si Hesus at hindi si Santa Claus.

Samantala, hinimok ng Catholic Educational Association of the Philippines o CEAP ang mga mananampalataya at mga Catholic school na huwag gawing komersiyalismo ang Pasko.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply