Sarado na ang puso sa isa’t isa!

gerald

AMININ, may kilig pa rin ‘pag pinagmamasdan sina Kim Chiu at Gerald Anderson, huh?

Feeling namin, mas may kilig pa nga ngayon sa kanila kesa nu’ng magka-loveteam sila, eh. Malamang ito ay dahil sa hindi na sila madalas makitang magkasama at alam ng lahat na naghiwalay na sila as sweethearts.

Sa presscon ng 24/7 In Love, muling magsasama ang dalawa at tiyak buhay na naman ang Kimerald fanatics! Matapos ang kanilang emosyonal na hiwalayan 2 years ago, sinabi ni Kim, wala na siyang bitterness at galit kay Gerald.

“Kaya nu’ng magsama po kami rito sa movie, magaan lang lahat. Nagkumustahan kami. Siyempre nu’ng una po, hindi ko pa alam kung ano ang sasabihin kasi two years rin kaming hindi nag-uusap. Pero nu’ng magkita kami uli, natuwa po ako kasi magaan ang pakiramdam na maka-trabaho muli si Gerald.”

Pagkatapos maghiwalay ng dalawa, nagka-ayos rin daw sila bilang magkaibigan. At kahit may kanya-kanya na silang buhay at minamahal, kitang-kita pa rin ang respeto at concern nila sa isa’t isa. Bagay na bihirang mangyari sa mga naghihiwalay na magkasintahan.

Dahil may kilig pa rin silang dalawa, tinanong sina Kim at Gerald, sa puntong ito sarado na ba ang puso nila sa isa’t isa? Say ni Gerald, “Basta ako, after two years, masaya ako na nakasama ko si Kim.”

Say naman ni Kim. “Magkaibigan kami ni Gerald. Hindi kami magkaaway. ‘Pag nasa shooting kami, pinag-uusapan na min ‘yung dati at natatawa na lang kami. Matagal na naming na patch up ang mga bagay-bagay.”

Haaay naku, hindi nila sinagot ang tanong.

So, alam n’yo na ang sagot.

***

KAGAGALING lang ni Atty. Persida Acosta sa Mexico para sa isang talumpati roon, from there, tumulak naman ang magaling na abogado sa Los Angeles USA para paunlakan daw ang isang imbitasyon na malalaking opisyales sa LA. Rito naman sa Pinas, busy si Atty. Acosta sa kanyang serbisyo-publiko lalo na’t siya ang tumatayong abogado sa isang katulong na minaltrato ng amo at talagang bugbog sarado pa.

Sensitibo rin si Atty. Acosta pagdating sa usapin ng death penalty. Marami na kasi ang nagmumungkahi na ibalik na ang dealth penalty lalo pa’t kaliwa’t kanan ang nagaganap na krimen sa iba’t ibang sulok ng bansa.

Marami ang nagmumungkahi na ibalik na ang parusang bitay nang sa ganoon ay matakot naman daw ang mga walang kaluluwang mga kriminal na talaga nga naman parang balewala na lang sa kanila ngayon ang pumatay ng tao. Grabe!

Sa puntong ito, sinabi ni Atty. Acosta, hindi raw siya pabor sa death penalty. In fact diretsahan niyang sinabi na siya mismo ang unang nag-mungkahi na ipatigil na ang death penalty.

Malalim ang paniwala ni Atty. Acosta na hindi dapat bigyan ng parusang bitay ang isang tao gaano man kalalim o kalaki ang kasalananang nagawa dahil ang Panginoon Diyos lamang daw ang tanging may karapatang kumuha ng ating buhay.

Dati pa ay may nagtatanong na kung tatakbo ba si Atty. Acosta bilang senador. Maingay na usapin ito dahil ak- tibo nga raw siya sa serbisyo publiko at visible pa sa telebisyon. Agad namang nilinaw ni Atty. Persida, wala siyang balak pasukin ang pulitika o kahit anong posisyon ngayon.

“Politics? Hindi pa panahon. Mahirap pangarapin ang politics. ‘Pag dumating ang panahon na politics ay tungkol na sa pagtulong at paggawa, baka sakali….” Matapang na pahayag nito.

 

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply