Sarah Geronimo, hiniling na ‘wag magpapagamit sa AFP

sarah-geronimo-front

HUWAG magpapagamit sa Armed Forces of the Philippines.

Ito ang panawagan ng mga militanteng grupo sa sikat na actress-singer na si Sarah Geronimo matapos na alukin siya ng Armed Forces of the Philippine para maging endorser at peace advocate ng Hukbong Sandatahan.

Taahasang hiniling ng grupong Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya), na huwag  magpagamit si Geronimo sa military kasunod ng ginawang paglulunsad ng Philippine Army ng kanilang Bayanihan Music video na inawit mismo ng singer sa Army Clubhouse.

Dahilan ng Pamalakaya, peke ang kampanya ng AFP na nagsusulong ng huwad na sa kapayapaan kaya hindi dapat magpagamit si Geronimo sa militar na lumalabag mismo sa karapatang-pantao.

Sinasabing may balitang plano ng militar na ikomisyon si Geronimo sa reserve force nito matapos nitong magpahayag ng suporta sa kampanya ng AFP.

Katunayan, si Geronimo ang umawit ng theme song ng militar na “Bayanihan: Para sa Kapayapaan.”

Nabatid pa sa grupo na malaking pa ang natipid  ng AFP  sa paggamit sa singer ng mag pasya umano si Geronimo na huwag nang magpabayad ng kanyang ta;lent fee na nagkakahalaga ng p10 million bilang pagsuporta sa isinusulong ng Army .

Ayon sa pamunuan ng Philippine Army malaking bagay ang pagtanggi ni Geronimo na kanilang tinaguriang Amabassador of Peace sa sinululong na Internal Peace and Security Plan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply