Sasakyan ng 2 parak nagsalpukan: 1 todas

TODAS ang isang parak makaraang sumalpok ang minamaneho nitong motorsiklo sa isang 4-wheeled vehicle na minamaneho rin ng isa pang pulis kagabi.

Dakong alas-7:00 ng gabi nang maganap ang aksidente na ikinasawi ni  PO1 Casilagan, 27, binata, residente ng Brgy. Andayuhon, Poblacion, Loreto, Agusan del Sur habang kinilala ang suspek na si SPO1 Dennis Dick Serrano, 47, may asawa at residente ng Cinderella subdivision sa lungsod.

Nabatid na magkabuntot ang sasakyan ng biktima at suspek ngunit pagsapit sa national highway ng Km. 2, Brgy. Baan sa lungsod ay bigla na lang lumiko pakaliwa ang sasakyan ni Serrano.

Dahil sa matulin ang takbo ni Casilagan, ay bumundol ito sa sasakyan ng opisyal sanhi ng kanyang pagkatapon na siya namang dahilan ng kanyang agarang kamatayan.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply