Sasakyan ni Isabel Oli, sinalpok ng big bike

SUGATAN ang driver ng isang mini big bike nang salpukin nito ang likurang bahagi ng van na pag-aari ng actress at TV host ng ‘I Believe” na si Isabel Oli.

Batay sa report ng Quezon City Traffic Management Unit, naganap ang insidente kaninang alas-2:00 ng madaling araw habang binabaybay ng van ang Commonwealth Avenue, Quezon City.

Ayon sa pahayag ng driver ni Oli na kinilalang si Benito Baluyot, marahan lamang ang kanilang takbo nang biglang bumangga ang mini bike ni Romnick Corpuz sa hulihang bahagi ng kanilang sasakyan.

Nagulat na lamang umano ang aktres at ang driver nang tumilapon si Corpuz at yupi ang van na sinasakyan ng aktres.

Sa imbestigasyon ng mga awtoridad nasa loob mismo ng sasakyan si Oli at kagagaling lamang sa trabaho nang maganap ang aksidente.

Sa pagsisiyasat, nangangamoy alak umano ang sakay ng mini bike na si Corpuz kaya isasailalim muna ito sa ilang pagtatanong ng mga namamahala ng trapiko.

Hindi naman nasugatan si Oli maliban sa pagkakayupi ng van sa likurang.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply