SC justice nag-inhibit sa plunder case vs GMA

gma-4

SA halip na aksyunan, nag-inhibit ang mahistrado ng Korte Suprema na naatasang humawak sa petisyon ni dating Pangulong Gloria Arroyo kaugnay sa kinakaharap na plunder case.

Nabatid na si SC Associate Justice Diosdado Peralta ay nag-inhibit bilang ponente sa kaso bilang delicadeza.

Sinabi ni Peralta na ang kanyang bayaw na si Atty. Cornelio Aldon ay legal counsel ni dating PCSO Board of Directors Raymundo Roquero noong panahon ng Senate investigation kaugnay ng PCSO fund scam.

Si Roquero ay isa sa kapwa akusado sa PCSO case at isa rin sa mga petitioner sa Korte Suprema.

Bukod rito, sina Roquero at Aldon ay running mate pa sa Antique sa darating na halalan.

Dahil rito, ipinagpaliban ng SC ang pagdinig sa kaso at muli itong ira- raffle sa susunod na sesyon.

Sa kaniyang petisyon noon, una ng hiniling ni GMA na maglabas ng TRO o writ of preliminary injunction ang KS laban sa pagpapatuloy ng pagdinig ng sandiganbayan sa kasong plunder laban sa kanya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply