Scam sa Pagadian

trending-ngayon

AABOT sa P12 bilyon pera ng 15,000 katao na taga-Mindanao at taga-Visayas ang natangay ng bogus na kompanya na Aman Futures Group Phils., Inc., ayon kay Virgilio Mendez, ang NBI deputy director for regional operations services.

Sinabi NBI deputy director Mendez na kabilang sa mga nakuhanan ng pera ng Aman Futures ay mga lokal na politiko, negosyante, empleyado ng gobyerno, police at military personnel, retiradong empleyado, OFWs, tindero at tindera sa palengke, drayber, at magsasaka.

Ani Mendez, nahikayat ng Aman Futures ang mga investor sa pamamagitan ng mabilis at mataas na porsiyento sa return on investment. Thirty hanggang 40 percent ang inaalok na kita ng Aman Futures sa mga investor na maglalagak ng puhunan sa loob ng walong araw at 50 percent hanggang 80 percent naman sa loob ng 18 hanggang 20 araw.

Ang Aman Futures — na matapos maging matagumpay sa panggagantso sa Pagadian City ay nagkaroon din ng mga opisina sa iba pang lugar sa Visayas at Mindanao — ay malinaw na pyramid scam o Ponzi scheme. Sabi nga, ang pyramid scam o Ponzi scheme ay parang iginigisa ang mga investor sa kanilang sariling mantika. Wala naman talagang totoong negosyo ang Aman Futures para matiyak na maibibigay nito ang ipinangakong mabilis at mataas na porsiyento sa ROI.

Ang totoo, pera rin naman ng mga investor ang ipinambabayad sa kanila ng Aman Futures.

Dahil wala naman talagang lehitimong negosyo at kumikitang business model ang Aman Futures, tiyak na guguho ang pyramid o magkakaroon ng snowball kapag wala nang mahikayat o naubos na ang lahat ng investor. At nangyari na nga.

***

MARAMI sa atin ang lumaking kulang ang kaalaman sa paghawak ng pera at kabuhayan.

Maaaring alam nating magbilang ng pera pero hirap naman tayong mapalago ito at may ilang pagkakataon na nagagantso pa tayo.

May pangangailangang baguhin ang tunguhin ng edukasyon sa bansa para mas maging masinop tayo sa paghawak ng pera at kabuhayan at hindi basta nabubulid sa kung ano-anong iskema ng panloloko.

Ito ang nasa isip ko ng aking likhain ang House Bill No. 490 o ang Financial Literacy Act of 2012.

Laman ng isinusulong kong H.B. 490 ang pagkakaroon ng financial literacy programs sa mga pampubliko at pribadong paaralan.

Sa totoo lang, tumaas sa 52.6 points ang financial quotient nating mga Filipino sa Fin-Q Survey ng international financial services na Citi noong 2011.

Naniniwala ako na maiaangat pa naman natin ang ating financial quotient pero maraming bagay tayo na dapat aralin at matutunan. Doble-kayod talaga.

Kung maisasabatas ang aking panukala, mamamahagi ng grants at incentive ang Department of Education sa mga paaralan para mahikayat ang mga ito na gumawa ng financial literacy courses para sa kanilang mga mag-aaral.

At darating din ang panahon na makikilala na natin ang tunay na mukha ng negosyong nanloloko at nanggagantso.

Makaiiwas na tayo, anuman ang maskarang suot ng mga ito.

***

HINDI naman talaga nagkukulang ang lehislatura sa paglikha ng mga batas na tumitiyak sa pagkakaroon ng proteksiyon ng publiko pagdating sa usapin ng pera o pinansiya.

Naisabatas sa mga nagdaang Kongreso ang aking mga inakdang Personal Equity and Retirement Account Act, ang Pre-Need Code, at ang Real Estate Investment Trust Act.

Pero napapanahon na ang pag-usad ng inakda kong House Bill No. 559 o ang An Act to Include Entrepreneurial and Financial Literary Education for Secondary School Students na maraming buwan na ring nakabimbin sa House committee on basic education and culture.

Sa palagay ko, may magagawa pa tayo.

Para sa mga reaksiyon at komento, mag-e-mail sa sonny@sonnyangara.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply