Scavenger natagpuang patay sa QC

bangkay-2

PATAY ang isang scavenger matapos saksakin ng hindi kilalang suspek sa Payatas Quezon City kaninang madaling araw Nobyembre 21, 2012.

Kinilala ang biktima na si Benjie Cañada, 24, binata ng Payatas B, QC na nasawi dahil sa isang tama ng saksak sa kaliwang dibdib.

Ayon kay PO3 Modestino Juanson ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) natagpuan ang bangkay ng biktima dakong 5:00 ng madaling araw  kanina sa Bicol St., Extension, Brgy. Payatas B, QC.

Sinabi sa ulat na bago natagpuan ang bangkay ng biktima huling nakita ito na may kausap na babae   habang nakikipagtalo na hinihinalang dating kinakasama ng biktima.

Kung kaya’t sinisilip ng mga otoridad ang anggulong love triangle sa naturang kaso.

Subalit hindi pa matukoy ng mga otoridad ang naturang teorya dahil wala pang lumulutang na  witness na makakapagpatunay sa naturang teorya.

Nagsasagawa na ng follow up operation ang mga awtoridad sa naturang kaso.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply