School principal tinodas sa gate ng simbahan

SABOG ang ulo ng isang school principal nang targetin ng armadong kalalakihan matapos lumabas sa simbahan sa Bongao, Tawi-Tawi province nitong Martes ng gabi (Nobyembre 13).

Dead on the arrival sa ospital sanhi ng tinamong tama ng bala ng kalibre 45 sa kanang bahagi ng ulo ang biktimang si  Conchita “Ching” Francisco, isang 62-year-anyos na grade school principal ng Mindanao State University.

Wala pang ideya ang Bongao PNP, kung ano ang motibo at sino ang mga nasa likod sa pagpatay sa biktima pero ikinasa na ang malalim na imbestigasyon para malaman ito.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente ilang metro lamang ang layo sa Bongao catholic church.

Sinabi ni SPO3 Aminkadra Idjilali ng Tawi-Tawi provincial police operations, bago ang insidente ay kadadalo lamang ng biktima sa isang misa sa nasabing simbahan.

Ayon sa nakasaksi, kalalabas pa lamang ng biktima sa simbahan para sumakay sa isang traysikel nang lapitan at barilin sa ulo ng isa sa mga suspect at saka nagsitakas sakay sa motorsiklo.

Ayon sa pulisya, ang naturang insidente ang kauna-unahang karumal-dumal na krimen na nangyari sa kanilang lugar.

Samantala, kinondena ng Department of Education-Autonomous Region in Muslim Mindanao regional office at ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group at maging ni Fr. Jun Mercado ng missionary Oblates of Mary Immaculate ang pagpatay sa biktima.

Inilarawan ang pagpatay na isang “murder right by the gate of the church.”

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply