Scoreboard ng aksidente, ilalagay sa Marcos Highway

UPANG maitala ang mga aksidente na nagaganap sa kahabaan ng Marcos Highway, plano ng samahan ng mga motorsiklo na maglagay ng score board na kung saan naitala ang mga nagaganap na aksidente na kinasasangkutan ng mga nasabing sasakyan.

Ayon kay Atoy Sta Cruz, Director for Administration ng Motorcycle Philippine Federations sa pulong balitaan sa Sampaloc, Manila  kung siya lang umano ang tatanungin ay plano niyang maglagay ng score board sa kahabaan ng Marcos Highway na nasasakop ng Marikina City,upang maitala ang mga nagaganap na mga aksidente partikular ang mga nag-momotorsiklo.

Dagdag pa ni Sta Cruz, sa pamagitan ng paglalagay ng score board ay maaring “magising” at mamulat sa katotohanan ang mga motorista sa lugar na maraming nagaganap na aksidente.

Gayunman, nangangamba si Sta Cruz sa kanyang gagawin dahil marami umanong magagalit sa kanya na manufacturer ng motorsiklo dahil hihina umano ang kanilang benta.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply