Seguridad kay Coco Rasuman hinigpitan

NBI

LALO pang hinigpitan ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Maynila ang seguridad sa selda ni Jahcob “Coco” Rasuman na nakatakdang i-inquest ngayong araw.

Nabatid na isa lamang si Rasuman sa mga sangkot at nasa likod ng isa pang “pyramiding scheme” kung saan siya ang sinasabing president  at chief executive officer ng “Nad Auto Option”.

Nauna rito, dinala si Rasuman sa Maynila mula sa Cagayan de Oro dahil na rin umano sa tangka sa kanyang buhay matapos itong maaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at NBI Region 10 sa Lanao del Sur.

Bukod kay Coco,  ipinaaresto na rin ng Cagayan De Oro Regional Trial Court (RTC) ang kanyang kapatid at ama nitong si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Bashir Rasuman.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply