Seguridad sa 2013 elections pinaplantsa na

BAGAMAT may halos kalahating taon pa ang natitira, inanunsyo na kaninang umaga (Nobyembre 2) ng Philippine National Police (PNP) ang pagpaplantsa ng seguridad para sa 2013 midterm elections.

Sinabi ni PNP spokesman Chief Supt. Generoso Cerbo Jr., na may binuo na silang isang task force na tinawag nilang Secure and Fair Elections (SAFE) na tututok sa lamang sa seguridad na pamamahalaan ni Chief of the Directorate Staff Alan Purisima.

Ayon kay Cerbo, aatupagin ng naturang task force ang kampanya laban sa grupong maaaring maging sagabal sa gaganaping halalan.

Kabilang sa tutukan ng pulisya ay ang mga criminal elements, private armies ng mga politiko at ang pagkalat ng mga loose firearms na maaaring ikasa para sa pansariling interes ng mga politikong tatakbo sa darating na eleksyon.

Bukod dito, makikipag-ugnayan din ang PNP sa Commission on Elections (Comelec) upang alamin kung aling lalawigan sa bansa ang inaasahan na areas of concern bunsod ng mainitang labanan ng mga politiko.

Ang pagkakasa ng PNP sa seguridad sa halalan ay sa harap ng napaulat na maagang pagreretiro ni PNP Chief Dir. Gen. Nicanor Bartolome.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply